Lebel ng tubig sa Marikina River, mabagal ang pagbaba

Kinumpirma ng Marikina Disaster Risk Reduction and Management Office (RESCUE 161- DRRMO MARIKINA) na mabagal ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Marikina River.

 

Bunga anila ito ng tuloy-tuloy na pabugso-bugsong malakas na ulan.

 

Dahil anila rito, mas bumabagal ang pagbaba ng lebel ng tubig dahil ang dami ng tubig na pumapasok ay mas malaki kaysa sa inaasahang pag-agos palabas ng ilog.


 

Bukod dito, ang mataas anilang  lebel ng tubig sa ibang mga kalapit na ilog ay nakakadagdag din sa mabagal na pagbaba ng antas ng tubig sa Marikina River.

 

Ang high tide anila ay nakadagdag din sa pagtaas ng tubig-dagat, na nagresulta sa mas mabagal na pag-agos ng tubig mula sa ilog patungo sa dagat.

 

Patuloy naman na naka-monitor ang Marikina DRRMO Rescue 161   sa sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensiya para matiyak ang kaligtasan ng mga residente ng lungsod.

Facebook Comments