Lebel ng tubig sa Marikina River, nananatiling normal sa kabila ng patuloy na pag-ulan bunga ng Bagyong Isang

Kinumpirma ng Marikina Rescue 161 na nananatili sa normal ang water level sa Marikina.

Ito ay sa harap ng patuloy na pagbuhos ng ulan dahil sa Bagyong Isang.

Sa tala ng Marikina Rescue 161, as of 11:00 AM, ang Marikina water level ay nasa 12.7 meters.

Sa kabila nito, patuloy na naka-monitor ang mga awtoridad sa nasabing lungsod sa antas ng tubig sa ilog.

Wala pa namang anunsyo ang Marikina City Government kung naka-activate na ang kanilang evacuation centers.

Facebook Comments