Lebel ng tubig sa Marikina River, unti-unti nang bumababa

Kahit malayo pa sa dating lebel ng tubig na nasa 12 meters ang atas, patuloy naman na ang pagbaba ng lebel ngayon ng tubig sa Marikina River.

Pinakamataas na lebel ng tubig ng Marikina River na naitala ng Marikina Rescue 161 ay nasa 14.8 kaninang alas-2:00 ng madaling araw.

Ilang guhit na lang ay aabot na sa first alarm.


Pero kaninang alas-6:00 ng umaga, nasa 14.2 meters na ito.

Kalmado na ang daloy at malinis na ang tubig sa Marikina River at ibang-iba ito sa lagay kahapon na malakas ang daloy ng tubig na may kasamang basura.

Sinabi naman ng Marikina Rescue 161 na hindi sila nagpapakampante dahil sa inaasahang pananalasa naman ng Bagyong Kiko.

Ito ay inaasahang maging super typhoon ayon sa PAGASA.

Facebook Comments