Sa kabila ng nararanasang mga pag-ulan, patuloy pa ring bumaba ang lebel ng tubig sa mga dam sa bansa.
Ayon kay PAGASA hydrologist Aileen Abelardo, aabot na lang sa 168. 67 meters ang antas ng tubig ng Angat Dam.
Nasa 68.87 meters naman ang antas ng tubig sa La Mesa Dam kumpara sa 68.95 meters noong Sabado.
Maliban rito, bumaba rin ang antas ng tubig sa Ambuklao, Magat, San Roque, Binga, Pantabangan at Caliraya Dam.
Facebook Comments