LEBRON…GOES TO…LA LAKERS sa $154M 4-year Deal

Inaasahang mas magiging kapana-panabik para sa mga NBA fans ang darating na 2018-2019 season.

Ito ay matapos lumabas ang balita na nakatakdang lumipat si NBA Super-Duper Star at self-acclaimed ‘best player on the planet’ LEBRON JAMES sa Los Angeles Lakers (LA Lakers).

Minsan pang iiwanan ni Lebron ang Cleveland Cavaliers para makipag-team mate kay Lonzo Ball na minsan na niyang sinabi na gustong makakasama ng ibang NBA players.


Noong unang lumabas ang mga bulung-bulungan na lilipat si Lebron sa Lakers, sinabi ng 3-time NBA champion na “stupid noise” ang balitang ito. Subalit, ngayon, ayon sa agency ni James, pumayag na umano si Lebron na maglaro sa LA Lakers sa halagang $154 million sa loob ng 4 na taon.

Medyo mapagpatawad at mapang-unawa naman ngayon ang reaction ng Cleveland fans matapos silang mabigyan ng kampeonato ni James noong 2016.

Facebook Comments