Lebron James, balik ensayo

Sports – Sumabak na sa practice ng Cleveland Cavaliers si Lebron James matapos gumaling sa left ankle injury.
Ayon kay Coach Tyronn Lue, naging maganda ang resulta ng ensayo ni James at inaasahan na makakapaglaro na ito sa laban kontra Indiana Pacers sa Sabado.
Dahil dito, nasasabik na si Coach Lue dahil ito ang unang pagsama-sama ng bagong line-up kung saan kasama ni James sina Kevin Love, Jae Crowder, J.R. Smith at Derrick Rose habang inaantay na lamang niyang makareober sa injury si Isaiah Thomas.
Matatandaan na nakuha ni James ang injury matapos na maapakan niya si rookie Cedi Osman sa ikalawang araw ng kanilang training camp.

Facebook Comments