LeBron James, isinalba ang Lakers para talunin ang Thunder

22

Isinalba ng beteranong si LeBron James ang Los Angeles Lakers kontra Oklahoma Thunder sa overtime game sa score na 114-113.

Nagtala si James ng 25 points, 7 assists at 6 rebounds habang nagdagdag ng 20 points si Montrezl Harrell.


Ito na ang ikaanim na sunod na panalo ng Lakers para sa kanilang 20-6 win-loss record habang ang Thunder ay nasadlak sa 10-14 kartada.

Nabigo naman ang 25 puntos ni Al Horford para maipanalo ang Thunder.

Facebook Comments