LeBron James, posibleng makapaglaro na laban sa Boston Celtics

Posibleng makabalik na sa court si NBA star LeBron James matapos ang abdominal injury nito.

Ayon sa koponang Los Angeles Lakers, inaasahang makakasama na nila si James para sa pagbisita nila sa Boston Celtics na itinuturing nilang basketball rivalry sa kasaysayan ng NBA.

Nabatid na dahil sa injury, absent ng walong laro si James na nagsimula noong Nobyembre 2.


Sa apat na magkakasunod na laro ng Lakers ay mayroong tatlong laro silang hindi nagtagumpay.

Sa kasalukuyan, mayroon nang walong panalo at walong talo ang Lakers habang ang Celtics ay mayroong pitong panalo at walong talo.

Facebook Comments