Lechon, Christmas ham may taas presyo bago ang holiday season

Asahan nang tataas ang presyo ng lechon ngayong papalapit na Pasko at Bagong Taon.

Pero ayon sa ilang mga nagtitinda sa La Loma, Quezon City, normal lamang naman na magmahal ang presyo ng lechon kapag ganitong panahon.

Sabi ni La Loma Lechoneros Association President Maca Chua, walang kakulangan ng supply ng lechon ngayong holiday season dahil nakabawi na ang mga hog raiser mula sa epekto ng African Swine Fever (ASF).


Sa ngayon, naglalaro sa P6,000 hanggang P15,000 ang presyo ng lechon.

Bukod sa presyo ng lechon, nagmahal na rin ang isa pang nakagawiang ihanda tuwing Pasko at New Year na Christmas ham na naglalaro na ngayon sa P1,660 kada piraso.

Facebook Comments