Lechonero, Pinukpok ng baril sa ulo ng isang Pulis

328

Kulungan ang binagsakan ng isang bagitong pulis nang sumugod at mamukpok ng baril sa biktima na isang lechonero.

Kaninang umaga isinailalim na sa inquest proceeding ang inarestong pulis na si PO2 Narzal Yee Muñez, 37 taong gulang, miyembro ng Butuan City Public Safety Company ng Butuan City Police Office.

Si PO2 Muñez ang sinampahan ng kasong Physical Injury sa biktima na si Armelito Sabuero Soriano, 39 taong gulang, nakatira sa P-4, Brgy. Ampayon, Butuan City.


Kuwento ng biktima, alas 3:30 noong Sabado, Oktubre 7 habang siya ay natulog bigla na lang pumasok sa kanyang bahay si PO2 Muñez, na galit noong panahon na yon at sa harapan ng kanyang asawa at mga anak ilang beses na pinukpok ng baril ng suspek ang kanyang ulo sa kabila ng pagmamakaawa nito.

Sinasabing nagalit umano ang suspek dahil sa order nitong lechon baboy, na ang sabi kinuha ang ribs at laman sa ilalim nito pero agad naman itong itinanggi ng biktima.

Facebook Comments