Suportado ng Legislative-Executive Development Advisory Council’s o LEDAC na maratipikahan ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) mega free trade deal.
Ginawa ang pahayag na ito matapos ang isinagawang LEDAC meeting kanina na pinangunahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa Malacañang.
Sa pagpupulong, kapwa nagpahayag ng commitment sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senator Loren Legarda na idedepensa ang ratification sa RCEP sa Senado.
Sinabi ni Zubiri na napag-usapan sa mga pagkikipag pulong sa mga government at business leaders sa Tokyo ang ratification ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) mega free trade deal.
Una nang nanindigan si Pangulong Marcos Jr., kaugnay rito at sinabing na kapaki-pakinabang sa bansa ang isinusulong na Regional Comprehensive Economic Partnership.
Aniya, dahil sa RCEP lalakas ang kalakalan ng Pilipinas sa ibang bansa.
Sa ngayon, sumasailalim pa sa deliberasyon sa Senado ang naturang panukala at sa katunayan, nasa sub-committee level pa lamang ito at patuloy pang tinatalakay ng mga senador.