Leftout Families sa Fuga Island, Cagayan, Nakatanggap na ng SAP

41

Cauayan City, Isabela- Nabigyan na ng social pension at tulong sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan ang mga waitlisted o leftout families sa Fuga Island, Appari, Cagayan.

Ito ay sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office II kung saan nasa 278 na waitlisted na pamilya ang nabigyan at tinatayang aabot sa halagang Php1,529,000.00 ang naibigay ng nasabing ahensya para sa SAP beneficiaries.

Nasa 136 Indigent Senior Citizens naman ang nabigyan ng tulong sa ikalawang bugso ng Social Pension Program ng pamahalaan.

Nagkakahalaga naman sa Php408,000.00 ang naibigay na ng DSWD FO II para sa second semester payout ng Social Pension Program.

Ang Fuga Island ay isa sa mga isolated na lugar na matatagpuan sa bahagi ng Babuyan Group of Islands.


Facebook Comments