Legal age para sa paggamit ng vape, pinatataas sa 25

Pinaaamyendahan ng isang eksperto ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act o Vape Law na layong itaas ang legal vaping age sa 25 mula sa kasalukuyang 18.

Ayon kay Dr. Maricar Limpin, Past President ng Philippine College of Chest Physicians at isa ring pulmonologist, kahit ang mga batang edad 13 at 15 ay gumagamit na ng vape habang ang mga nagkakasakit naman dahil dito ay nasa edad 21 hanggang 23 anyos lamang.

Aniya, ang pag-mature ng control center ng utak ay sa edad na 25 at dito ay nakakapag-isp na ang indibidwal kung makasasama sa kanya ang isang gawain.


Maliban dito, kaya na rin aniyang kontrolin ng isang tao ang kanyang sarili at hindi na basta nagpapadala lamang sa kanyang mga nakikita sa iba.

Sakaling naman hindi kaya ang edad na 25, iginiit ni Limpin na maaari namang gawin na lamang itong 21 anyos.

Facebook Comments