
Siniguro ng Department of Migrant Workers (DMW) at Legal Education Board (LEB) ang sapat na legal aid ang tulong para sa edukasyon ng anak ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Kasunod na rin ito ng paglagda nina Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac at LEB Chairperson Jason R. Barlis ng Memorandum of Agreement (MOA) na layong makapagbigay ng tulong sa mga OFW.
Nasa ilalim din ng kasunduan ang probisyon para sa legal case referral ng mga distressed OFWs sa mga legal aid clinics.
Nagbibigay rin sila sa mga law student ng technical at practical skills sa labor laws at social justice.
Ang kolaborasyon ng DMW at LEB ay bahagi pa rin ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na palakasin at protektaha ang karapatan ng mga OFW.
Facebook Comments









