Kinuwestiyon ng legal counsel ng isang executive mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation ang partial findings ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, maituturing itong pag-abuso lalo na’t magsisimula na ang election season at ginagamit lamang ito ng mga senador para mas pag-usapan sila.
Para kay Topacio, isa rin itong demolition job sa kasalukuyang administrasyon at muli nitong pinagtibay ang kaniyang paniniwalang isang kangaroo court ang nangyayaring pagdinig.
Kasunod nito, hinamon ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon si Topacio na patunayan na lamang niya ang mga akusasyon sa Korte Suprema.
Matatandaang kahapon ay inilahad na ni Gordon ang ilang bahagi ng kanilang partial findings na nagrerekomendang sampahan ng kaso sina Pharmally Director Lincoln Ong at iba pang Pharmally executives.
Bukod sa kanila, pinasasampahan din ng reklamo sina dating Presidential Economic Adviser Michael Yang at iba pang mga dating opisyal ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM).