LEGAL GIANT | Senator Enrile, malaking tulong para mapatalsik si CJ Sereno

Manila, Philippines – Naniniwala si House Deputy Speaker at Batangas Representative Raneo Abu, na malaking tulong para sa impeachment process kung sakaling maging miyembro ng private prosecution team si Senate President Juan Ponce Enrile.

Ayon kay Abu, welcome kung sakaling maging bahagi si Enrile ng private prosecution team laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Abu na naging malaking tulong noon ang pagiging presiding judge ni Enrile sa impeachment ni dating CJ Renato Corona para maipa-convict ngayon si Sereno.


Tinawag pa ni Abu na isa sa legal giants ng bansa si Enrile dahilan upang maging kumpyansa ang Kamara na mapapatalsik ang punong hukom.

Facebook Comments