
Pansamantalang ipinagpaliban ang mga paglilitis at proseso sa ilalim ng Agrarian Law Implementation (ALI) dahil sa extended Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones, kasama rito ang lahat ng mga nakatakdang pagdinig, inspeksyon at pagsisiyasat ng mga lugar, mga pulong, diyalogo, mga kumperensya sa pamamagitan at iba pang mga paglilitis alinsunod sa regular o espesyal na mga patakaran ng ALI.
Ayon sa kalihim, ang pagpapatuloy ng takdang panahon ay aayusin ng DAR pagkatapos ng ECQ.
Dagdag pa ni Castriciones, ang mga patnubay ay maaaring magbago alinsunod sa magiging pahayag na ilalabas ng Office of the President o Inter-Agency Task Force (IATF).
Facebook Comments









