Legal notice ng lawyer sa Ayala Corp., Itinama ng netizen

 

Nagmistilang tutorial class sa subject na Business English o Business Correspondence ang eksena sa pagitan ng isang netizen at ng isang abogado ng isang law firm sa Iloilo City, makaraang i-correct nito ang grammar sa mismong ipinadalang legal notice ng abogado sa kumpanyang pag-aari ng mga Ayala.

Sa post ng netizen na si Jasmine Nebres ay sinabi nito sa Ilonggo dialect na: “Dear Atty. Alim Nakita ko post mu.. Ako na lang ang nag edit.. Eh zoom nyu nalang para mas klaro atty.. Sa pakgkadamu sang dapat eh edit as a lawyer.. Basi hambalon sang mga tao papanu ka naging lawyer kung sa simple nga sulat.. Sala sala ang imu grammar.. Muna ako na lang nag edit ah.”

Sa isang pagsasalin sa Tagalog ng sinabi ng netizen na si Nebres , ay ganito ang ibig nyang sabihin: Dear Atty. Alim Nakita ko post mo.. Ako na lang ang nag edit.. I-zoom nyu nalang para mas malinaw atty.. Napakarami nang dapat i-edit as a lawyer.. Baka magtaka ang mga tao kung paano ka naging lawyer kung sa simpleng sulat nga … maling-mali ang grammar mo.. Ako na lang sana nag-edit.


Kasamang ipinost ng netizen ang orihinal na kopya ng sulat ni Atty Joshua Alim ng Alim Olid-Parohinog & Associates Law Offices at gayundin ang edited manuscript ng nasabing liham.

Sinasaad sa liham ni Atty Alim sa AZ Ayala Corporation na opisyal na umanong nilagdaan at nag-file ng complaint at humihingi ng danyos ang may 761 residente ng Brgy. Bo. Obrero, Lapuz, Iloilo City na naapektuhan ng pagsabog ng Barge 102 ng nasabing korporasyon noong July 3, 2020 dahil labis umanong nakaapekto sa buhay, kalusugan at kabuhayan ng mga nabanggit na residente ang nasabing insidente.

Pero hindi naman ito ang pinupunto ng netizen na si Nebres. Ayon sa kanyang post ay maliwanag na dapat, kapag ikaw ay lawyer, dapat tama ang iyong grammar.

Isang malaking puntos ang aspetong teknikal para manalo o matalo ang isang abogado sa kanyang ipinaglalabang kaso. Ang wastong paggamit ng grammar ay isa na dito.

Paulit-ulit na itinama ng netizen ang ginagawang pagka-capitalize ng mga salitang Law Firm, Brgy Kagawad ng liham ni Atty. Alim. Ayon sa note ng netizen: ” There is no need to capitalize these words. Why are there so many unneccessary capitalization in this whole letter?”

Maging sa unang talata o paragraph pa lamang ay ipinalasap na ng netizen ang kanyang bangis kay Atty. Alim. Anang netizen: “The opening statement of the letter is too long ang confusing. There are way too many details crammed into one sentence. Please rewrite”.

Maging ang paggamit ng salitang ‘damaged’ sa liham ni Atty. Alim ay itinama ng netizen. Aniya ginamit ang salita bilang noun kung kaya hindi ito dapat nilagyan ng ‘d’ sa huli.

Sa pangalawang talata o paragraph naman ay pinuna ng netizen ang pagkakasulat ng pangungusap, ayon sa netizen: “This sentence seems incomplete even though it is quite long. Rewrite this entirely.”

Kabilang pa sa mga correction notes ng netizen sa liham ay ang mga sumusunod: “Rethink and rewrite these enumerated elements. As it is. It seems incoherent.”

“There is no need for this statement anymore. Using “beyond pecuniary estimation” just causes confusion, as you are asking for compensation.” Ayon pa sa sinasaad ng netizen.

At bilang pangwakas ng pagtatama sa mga kamalian sa grammar sa liham ni Atty. Ilam ay sinabi ng netizen sa kanyang note na… “Redundant statement. Please replace with: “We are attaching herewith the petition signed by 761 affected residents for your perusal and consideration.”

Facebook Comments