Legal offensive, palalakasin ng JTF COVID-19 Shield laban sa mga umaatake sa mga medical frontliners

Nagsasagawa na ngayon ng legal research ang legal team ng Philippine National Police (PNP) para matukoy ang mga posibleng kasong isampa laban sa mga taong nanakit at nagpapahayag ng diskriminasyon sa mga medical frontliners at sa pamilya ng mga COVID-19 patients.

Ayon kay JTF COVID-19 Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo Eleazar, ginagawa ito ng PNP matapos ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP na protektahan ang lahat ng mga health workers sa lahat ng uri ng pag-atake.

Sinabi ni Eleazar, lahat ng harassments at diskriminasyon katulad ng physical assault, pamamato ng bahay o paninira ng anumang property ng mga medical frontliners at pamilya ng mga COVID-19 patients ay nakapaloob sa probisyon ng Revised Penal Code.


Panawagan naman ni Eleazar sa mga medical frontliners at mga kamag anak ng COVID-19 patients na nakakaranas ng diskriminasyon na aga ipagbigay alam sa PNP para agad nilang maaksyunan.

Facebook Comments