Legal team ng BFAR, magsasagawa na ng imbestigasyon sa cyanide fishing sa WPS

Magsasagawa na ng imbestigasyon ang legal team ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kaugnay sa napaulat na cyanide fishing sa West Philippine Sea (WPS).

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera na nakatakda nang magtungo ang mga tauhan nila sa Bajo de Masinloc nila para sa assessment.

Uunahin aniya nila ang pagkuha ng sworn affidavit o salaysay ng mga mangingisda na pinagmulan ng ulat.


Dagdag pa ni Briguera, bubuo rin sila ng marine scientist o technical experts’ para magsagawa ng marine habitat assessment.

Inihayag din ng BFAR na handa silang makipagtulungan sa UP Marine Science Institute at National Fisheries Research Development Institute para mapabilis ang imbestigasyon sa insidente ng cyanide fishing sa lugar.

Facebook Comments