Legalidad ng dahan-dahang pag-deactivate ng unregistered SIMs, sinisilip na ng NTC

Nakikipag-ugnayan na ang National Telecommunications Commission o NTC sa mga telecommunication company upang tingnan ang legalidad ng panukalang “gradual deactivition” ng mga serbisyo at mobile phone application ng mga subscriber na mabibigo pa ring magparehistro ng kanilang sim sa kabila ng pinalawig na deadline.

Sabi ni NTC Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan, pinag-aaralan din nila kung technically feasible ito at kung may sapat na panahon para ito ay maipatupad.

Sakaling aprubahan, ang mga telco ang magiging responsable sa pagde-deactivate ng mga apps at iba pang serbisyo.


Pero sabi ng Smart, mahihirapan sila na ipatupad ang proposal.

Samantala, maglalabas ang NTC ng resolusyon hinggil sa usapin ngayong linggo o sa susunod na linggo.

Facebook Comments