Legalidad ng itinayong gusali ng isang unibersidad sa Maynila, hiniling na resolbahin ng DOJ

Umaapela kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang isang petitioner na desisyunan na ang legalidad sa itinayong building ng isang unibersidad sa Maynila.

Sa liham ng petitioner na si Peter Paul John Gregorio kay Remulla, bago pa mag-lockdown ay naihain na niya sa Department of Justice (DOJ) ang petition for review pero apat na taon na ang nakalilipas ay wala pa rin siyang natatanggap na tugon.

Nabatid na nais iapela ng petitioner ang naging hatol ng Manila City Prosecutor Office pabor sa National University Inc. hinggil ito sa usapin ng pagtatayo ng gusali sa lupang pag-aari ng kanilang pamilya.


Una niyang inireklamo ang pamemeke ng dokumento kung saan nagkaroon daw ng pirmahan sa deed of sale pero imposible itong mangyari dahil nasawi na ang sinaabing pumirma bago ang inilabas ang dokumento.

Ang dalawang pekeng kasulatan ay nairehistro sa Registry of Deeds Manila noong 2015 nang ilipat ang pagmamay-ari ng mga parsela ng lupa sa NU.

Bilang patunay ng pagkasawi ng kamag-anak ng petitioner, ipinasa nito ang death certificate bilang ebidensya at umaasang papakinggan siya ng DOJ.

Facebook Comments