Kinwestyon ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa plenaryo ang legalidaD ng kasunduan ng Development Bank of the Philippines (DBP) at ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Tingog Party-list kaugnay sa proyektong “Maalagang Republika: Rural Financing Health Development Program”.
Nagtataka ang senador dahil bakit sa nasabing party-list nakipag-partner ang DBP at PhilHealth at hindi sa Department of Health (DOH).
Giit ng senador, ang DOH ang may programang health facilities enhancement program (HFEP) pero hindi kasama ang ahensya sa nilagdaang memorandum of agreement (MOA).
Aniya pa, kung hindi DOH ay bakit hindi na lang ang DILG na nakakasakop sa mga LGU ang isinama sa kasunduan.
Duda rin ang mambabatas na posibleng nahaluan na ito ng pulitika.
Ang Tingog Partylist ay pinamumunuan ni Congresswoman Yedda Marie Romualdez na asawa ni House Speaker Martin Romualdez.