Legalidad ng paglalabas ng SALN ni dating Congressman Co, pag-aaralan ng Kamara

Pag-aaralan ng House of Representatives ang legalidad ng paglalabas sa kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ni dating Congressman Elizaldy Co.

Ayon kay House Deputy Speaker Ferdinand Hernandez na siyang chairman ng House SALN Review and Compliance Committee, kapag nagpulong sila ay kanilang susuriin ang isyu ng legalidad kung isasapubliko ang SALN ni Co dahil wala ng hurisdiksyon sa kanya ang Kamara.

Paliwanag naman ni House Deputy Speaker at Antipolo Representative Ronaldo Puno, nagbitiw na si Co bilang miyembro ng Kamara kaya siya ay isa ng pribadong indibidwal.

Paliwanag ni Puno may ibang legal principles na patungkol dito na kanilang pag-aaralan dahil baka mademanda ang Kamara sa paglabag sa karapatan ng indibidwal kaugnay sa panawagang ilantad ang SALN ni Co.

Facebook Comments