Isinulong ngayon ng mga mambabatas sa Argentina ang legalisasyon ng abortion kung saan nakakuha ng 131 ang sumang-ayon habang 117 naman ang hindi pabor sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Nabatid na bago ito maging batas ay dapat aprubado muna ng Senado na inaasahang pagbobotohan ng mga senador sa katapusan ng buwan.
Ayon kay Argentina President Alberto Fernández, maaari lamang isagawa ang abortion kung ang isang babae ay biktima ng panggagahasa.
Samantala, nanawagan naman ang Simbahang Katolika sa mga mambabatas na huwag ng ituloy ang pagpasa ng nasabing panukalang batas.
Facebook Comments