Legalization ng medical marijuana, suportado ni Davao Mayor Sara Duterte

Suportado ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pagsasalegal ng paggamit ng medical marijuana.

Ayon kay Mayor Duterte – kung mayroong siyentipikong basehan na maaaring gamiting gamot ang cannabis, hindi dapat ito ipagkait sa mga pasyenteng nangangailangan nito.

Ito ang pahayag ng alkalde matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Dutere na hindi niya pipirmahan ang panukalang isalegal ang marijuana para sa medical purposes dahil sa pangambang aabusuhin ang paggamit nito.


Nabatid na lusot na sa House Bill 6517 sa ikatlo’t huling pagbasa ng Kamara habang nakabinbin ang bersyon nito sa Senado.

Facebook Comments