Pinakaunang naghain ng Certificate of Candicacy (COC) para sa national post si Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda.
Pasado alas-8:00 kaninang umaga nang maghain ng kanyang COC si Legarda para sa senatorial race sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition.
Bukod kay Legarda, target ding makabalik sa Senado nina incumbent Senator Risa Hontiveros at Sorsogon Governor Chiz Escudero na naghain na ng COC sa pamamagitan ng kanyang representative na si Atty. George Garcia.
Kabilang din sa mga senatoriables sina PDP-Laban Pacquiao Faction Vice Chairman Lutgardo Barbo; dating Pagsanjan, Laguna Mayor Abner Afuang; Bay Maylanie Esmael at Norman Marquez.
Tumanggi namang magkomento si Senador Sherwin Gatchalian hinggil sa posisyong tatakbuhan nito sa 2022 elections.
Una nang napaulat na nais ni Gatchalian na tumakbong bise presidente kung tatakbong pangulo ng bansa si Davao City Mayor Sara Duterte pero bukas pa rin siya sa posibilidad na tumakbo ulit na senador.
Ayon kay Gatchalian, maghahain siya ng kanyang COC sa October 8.