Legazpi, Albay – binabayo ng bagyong Salome

Manila, Philippines – Nananalasa ngayon ang bagyong Salome sa Bicol region.

Namataan ang sentro ng bagyo sa layong 50 kilometers kanluran timog-kanluran ng Legazpi City, Albay.

Napanatili ni Salome ang kanyang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.


Patuloy itong kumikilos sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest at papunta ng Quezon-Marinduque area.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa:
Sa Luzon:
Metro Manila;
Rizal;
Bataan;
Camarines Norte;
Camarines Sur ;
Catanduanes;
Albay;
Sorsogon;
Romblon;
Marinduque;
Quezon;
Laguna;
Cavite;
Batangas;
Oriental Mindoro;
Occidental Mindoro;
Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands.

Sa Visayas;
Northern Samar;
Eastern Samar;
Samar;
At Leyte kasama ang Biliran.

Si Salome ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa araw ng Sabado.

Samantala, dahil sa bagyo, wala nang pasok bukas, araw ng Biyernes sa lahat ng antas, pangpubliko at pampribadong paaralan sa Lucena City, Quezon at Calapan City, Oriental Mindoro.

Kanselado na rin ang biyahe ng barko sa Batangas Port.

Facebook Comments