Legazpi RTC, naglabas ng PHDO laban kay Mayor Baldo

Kinumpirma ng Department of Justice na naglabas ang Regional Trial Court sa Legazpi City ,Albay ng Precautionary Hold Departure Order laban kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

May kaugnayanan ito sa pagkakadiin ni Mayor Baldo sa kaso ng pagpatay kay Cong. Rodel Batocabe

Magugunitang naghain ng aplikasyon nuong Jan 7 ang OIC Provincial Prosecutor ng Albay para sa pagpaalabas ng PHDO laban kay Mayor Baldo at limang iba pa na sangkot sa Batocabe murder case.


Una nang sinampahan ng PNP ng kasong murder Si Baldo

Samantala, itinalaga ng DILG Region 5 si Daraga Vice Mayor Victor Perete bilang Alkalde ng nasabing bayan habang dinidinig ang mga kasong kriminal laban kay Baldo.

Facebook Comments