
Muling inamyendahan ng House of Representatives ang legislative calendar ng Kongreso at iniurong sa December 30 ang adjournment ng session mula sa dating petsa na December 18 at Decembe 23.
Magbabalik muli ang session ng Kongreso sa January 26, 2026.
Si House Majority leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang nagmosyon ng pagbabago sa legislative calendar upang magkaroon ng sapat na panahon ang bicameral conference committee na isapinal ang enrolled bill ng 2026 General Appropriations Bill.
Ang mosyon ni Rep. Marcos ay inaprubahan ng mga kongresista ng presiding officer ng session na si House Deputy Speaker and Misamis Oriental 2nd District Rep. Yevgeny Emano.
Ngayong araw ay sinuspinde lang ng Kamara ang session upang muling magpatuloy sa December 29 o sa Lunes para sa pagratipika ng ₱6.793-trillion 2026 national budget.









