Ipinagbawal na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mga leisure activities sa lahat ng mga resort at hotels sa probinsya sa harap ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa mga kalapit na lugar.
Layon ng polisiya na maiwasan ang pagdagsa ng mga turista mula sa ibang lugar at mapigilan ang pagkalat ng virus sa probinsya.
Epektibo ito simula kahapon March 18, kaparehong petsa kung saan nakapagtala ng 11 bagong kaso ng COVID-19 sa Batangas.
Pinayuhan naman ang mga apektadong establisyimento na kumuha ng kaukulang permits sa Department of Tourism alinsunod sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Facebook Comments