Leksyon na natutunan sa pananalasa ng Supertyphoon Yolanda, dapat gamitin sa paghahanda sa typhoon uwan at nga susunod pang bagyo

Para kay Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, malinaw ang mga aral na naikintal sa ating mga puso ng matinding paghagupit ng supertyphoon Yolanda 12 taon na ang nakalipas.

Ang Leyte ay isa sa mga lalawigan na labis na naapektuhan ng pananalasa ng Yolanda.

Ayon kay Romualdez, bilang pagkilala sa mga pumanaw at nagsakripisyo sa pagtama ng Yolanda ay dapat nating tiyakin na sapat ang paghahanda sa kalamidad, pairalin ang malasakit sa kapwa at pagkakaisa.

Binanggit ni Romualdez na ang anibersaryo ng Yolanda ay nataon pa ngayon na ang bansa ay humaharap sa nakaambang matinding hagupit ng bagyong Uwan.

Sabi ni Romualdez, batay sa natutunan natin sa Yolanda, hindi natin kayang pigilan ang bagyo, pero kaya nating paghandaan ito nang may pagkakaisa at malasakit.

Diin ni Romualdez, ang kahandaan ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan kundi ng bawat Pilipino.

Facebook Comments