Leksyon para sa Nanapak na Empleyado ng LGU Cauayan City sa Isang Sundalo, Tiniyak ng Biktima!

*Cauayan City, Isabela- *Tiniyak ni Army Capt. Ralph Eugene Martinez, ang Commanding Officer ng 52nd Reconnaisance Company na mabibigyan ng leksyon ang lalaking empleyado ng LGU Cauayan City na nanapak sa kanya makaraang araw partikular sa isang fastfood Chain sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan sa biktimang si Army Capt. Ralph Eugene Martinez, kanyang inihayag na kumalma lamang umano siya noong sinapak ito ng suspek na si Jay Bartolome na empleyado sa Cityhall ng Lungsod ng Cauayan.

Base sa pahayag ni Martinez, habang siya ay kumakain sa isang Fastfood Chain kasama ang dalawa pang sundalo ay nakita umano nito na tinabihan ng sasakyan ni Bartolome ang kanyang nakaparadang sasakyan at pinakiusapan lamang umano nito si Bartolome na iurong ang kanyang sasakyan upang sila ay makadaan at mabuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan.


Hindi umano sila nagkaintindihan na humantong sa mainit na gitgitan at pananapak ni Bartolome kay Martinez.

Inawat na umano sila ng mga crew ng kainan habang patuloy pa rin umano sa pagmumura si Bartolome habang palabas sa gusali at sumakay sa kanyang sasakyan kasama ang misis.

Samantala, sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, pawang nagpa blotter sa PNP Cauayan City sina Bartolome at Martinez at nakatakda umanong magkaroon ang mga ito ng pag-uusap sa Lunes sa opisina mismo ni City Mayor Bernard Dy upang pag-usapan ang nangyaring girian ng dalawang opisyal.

Paalala naman ni Army Capt. Martinez sa publiko na irespeto pa rin umano ang kapwa at huwag pairalin ang pagiging mayabang.

Facebook Comments