Lente, magbabantay sa canvassing para sa Palawan Plebiscite

Nanawagan ang Legal Network for Truthful Elections (Lente) sa publiko na manatiling mapagbantay sa canvassing para sa March 13 Palawan Plebiscite.

Ayon sa Lente, mahalagang abangan ang magiging resulta ng plebisito.

Binabati rin ng Lente ang lahat ng Palaweños na nakilahok sa makasaysayang pagboto.


Sa ilalim ng Resolution No. 10687, ang Provincial Plebiscite Board of Canvassers ay magpupulong hanggang sa makumpleto ang canvass.

Kapag natapos ang canvassing ng municipal certificate of canvass of votes sa 23 munisipalidad ng Palawan, agad na ipoproklama ang resulta ng plebisito.

Malalaman sa resulta kung hahatiin o hindi ang lalawigan sa tatlong probinsya: ang Palawan del Norte, Palawan Oriental at Palawan del Sur.

Facebook Comments