Nakatuon ang poll watchdog group na Legal Network For Truthful Elections o LENTE ang pagboto ng vulnerable sector groups sa bansa.
Matatandaang pinili ng Commission On Elections (Comelec) ang LENTE bilang lead convenor para sa Random Manual Audit (RMA).
Ayon kay LENTE Executive Director, Atty. Rona Ann Caritos, tututukan nila ang pagboto ng ating mga kababayang katutubo, Persons with Disability (PWD), preso, at internally displaced persons sa Marawi.
Sabi ni Caritos, mayroong specific polling precincts ang isasama sa RMA simula May 15 sa pamamagitan ng electronic raffle.
Nakakatanggap din ang LENTE ng reklamo ng vote buying.
Binanggit ni Caritos ang vote buying incident sa Zamboanga kung saan binibigyan ang mga residente ng 5,000 pesos para sa kanilang mga boto.