Lente, walang nakikitang iregularidad sa random manual audit

Walang nakita ang Legal Network for Truthful Elections o Lente na anumang kaduda-duda sa nagpapatuloy na manu-manong pagbibilang ng mga boto sa ilang piling clustered precincts.

Ayon kay Lente Executive Director Rona Caritos – wala silang nakikitang nakaka-alarmang discrepancy sa manual counting.

Dagdag pa ni Caritos na mas mabilis na ang kanilang operasyon kumpara sa nakalipas na araw.


Pero aminado si Caritos na hindi pa rin nila nakukuha ang target na manual counting na aabot sa 60 ballot boxes.

Una nang inihayag ng Lente na inaasahan nilang matatapos ang random manual audit o RMA sa loob ng dalawang linggo.

Nasa 715 clustered precincts ang pinili para sumailalim sa RMA.

Facebook Comments