LENTEN SEASON | Tunay na diwa ng Semana Santa, hindi dapat kalimutan ng lahat – Palasyo

Manila, Philippines – Pinalalahanan ngayon ng Palasyo ng Malacanang ang publiko na huwag kalimutan ang tunay na diwa ng Kwaresma.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mahalagang pagnilayan ng publiko ang pagkamatay at muling pagkabuhay ng panginoong Hesukristo para maisalba ang sangkatauhan sa kasalanan.

Sinabi ni Roque na anoman ang pagkakaabalahan at kung saan man pupunta ang lahat ay huwag kalimutang magnilay at magdasal at pagsisihan ang mga nagawang kasalanan.


Matatandaan na idineklarang half day ng Malacanang ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan ngayong araw sa buong bansa para mabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado ng gobyerno na maghanda para sa Huwebes at Biyernes Santo.

Facebook Comments