LEPTOSPIROSIS | Bilang ng mga nasawi sa Metro Manila dahil sa leptospirosis, umakyat na sa halos 40

Manila, Philippines – Aabot na sa 38 tao ang nasawi dahil sa leptospirosis sa National Capital Region (NCR) mula Enero hanggang Hulyo 1.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, isa rin ang Region 6, 11, 9 sa may pinakamataas na may kaso ng leptospirosis at Caraga Region.

Kasabay nito, tiniyak ni Duque na mas pinaiigting nila ang ginagawa nilang monitoring at management ng mga kaso nito.


Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, naglaan ng mga gamot at iba pang medical supply ang DOH sa national kidney and transplant institute at DOH-NCR na tinatayang nasa P299,104 ang kabuuang halaga para maasistehan ang mga pasyenteng mayroong leptospirosis.

Nagpaalala rin ang DOH sa mga susuong sa baha na agad magpatingin sa doctor.

Facebook Comments