Manila, Philippines – ‘Closely monitoring’ ngayon ang Department of Health (DOH) sa kaso ng leptospirosis sa bansa.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, aalamin nila kung kinakailangang magdeklara ng outbreak.
Dagdag pa ni Duque, marami rin ang gagawing basehan at pagkukumpara bago talagang ideklara ang outbreak sa isang lugar.
Pero umaasa ang kalihim na hindi na hahantong sa outbreak declaration ang kaso.
Inaasahan din ng DOH na madadagdagan pa ang kaso ng leptospirosis sa mga susunod na araw.
Sa huling datos ng DOH, nasa 1,040 cases na ng leptospirosis ang naitala sa buong bansa habang 93 na ang namatay.
Hinimok din ng kalihim ang mga Local Government Unit (LGU) na paigtingin pa ang koleksyon ng basura sa kanilang lugar para maiwasan ang pagtaas pa ang kaso.