LEPTOSPIROSIS OUTBREAK | Philippine Red Cross pinaigting ang kampanya kontra leptospirosis

Manila, Philippines – Kasanod ng naitalang leptospirosis outbreak sa Quezon City, Taguig, Parañaque at Pasig city pinaigting pa ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang kampanya kontra nakamamatay na sakit.

Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon mayroon silang close coordination sa kanilang mga partner hospitals sa Metro Manila upang i-monitor ang outbreak.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) nasa 368 leptospirosis cases na ang naitatala simula June 10 hanggang July 4.


Sinabi pa ni Gordon na ang kanilang Red Cross chapters sa buong bansa ay abala sa information dissemination campaign at nagbabahay-bahay upang ipabatid sa publiko kung ano ang leptospirosis, paano ito nakukuha at kung paano makakaiwas sa sakit.

Kasunod nito umaapela ang PRC sa publiko na hanggat maaari ay huwag lumusong sa baha lalo na ngayon at nagbabadya ang malakas na pag-ulan at baha dahil sa bagyong Gardo.

Ang leptospirosis ay nakukuha sa kontaminadong tubig mula sa ihi ng infected animals tulad na lamang ng daga.

Facebook Comments