LET, isasagawa sa Pagadian

*Pagadian* – Isasagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) sa lungsod ng Pagadian ang Licensure Examination for Teachers (LET) ngayong Setyembre 24 ng taong kasalukuyan.

Nasa 10,750 ang nakatakdang kumuha ng licensure examination for teachers dahil dito sa higit sa limang daang silid aralan ang gagamitin.
Magtatalaga rin nang mga kawani mula sa PRC na siyang mangangasiwa ng LET sa lungsod upang matiyak ang matiwasay at maayos na daloy ng eksaminasyon.
Magtatalaga naman ng pulisya ang PNP- Zamboanga del Sur Provincial Office mga paaralang pagdarausan ng pagsusulit upang mapanatiling ligtas sa mga banta ng ano mang pangyayari na makakaapekto sa integridad ng gagawing aktibidad.

Facebook Comments