LET’S GO BACKWARD | California runner, target makasungkit ng Guinness title sa pagtakbo nang patalikod

California – Target ng isang runner sa California na makasungkit ng titulo sa Guinness sa pamamagitan ng pagtakbo.

Pero ang challenge dito, tatakbo ni Loren Zitomersky nang patalikod sa layong 26.2 miles sa pagsabak niya sa Boston Marathon!

Hindi lang titulo ang habol niya sa naturang record attempt dahil target din ni Zitomersky na makaipon ng pondo para sa mga taong may epilepsy.


Ang dedikasyon niya na makuha ang titulo ay alay niya raw sa kanyang kuya na namatay dahil sa sakit na epilepsy sa edad na 7-taong gulang.

Facebook Comments