LEVEL UP | Liza Soberano, ipinakilala na ni Enrique Gil sa kanyang pamilya

Showbiz – Lume-level up na talaga ang tambalang Lizquen na patuloy sa pagpapakilig sa kanilang mga fans.

Ito ay matapos na ipakilala na ng aktor na si Enrique Gil sa kanyang buong pamilya sa Spain si Liza Soberano matapos ang kanilang European Trip nitong Holiday Season.

Say ni Enrique, “Big Step” para sa kanya na ipakilala si Liza lalo at first time na may dinala siya at ipinakilalang babae sa kanilang tahanan.


Masayang-masaya naman ang dalawa na tanggap na tanggap ng pamilya ni Enrique si Liza.

Samantala, flattered naman daw ang aktres matapos siyang manguna sa listahan ng 2017 most Beautiful Faces ng TC Candler and the Independents Critics.

Sabi naman ni Enrique, kahit hindi mag-number one sa nasabing listahan si Liza, mananatili pa ring number one sa puso niya ang aktres.

Facebook Comments