Niyanig ng 3.0 na magnitude na lakas na lindol ang probinsiya ng Leyte kaninang 12.16 ng hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang pagyanig ay may layong 006 km. Timog- Kanlurang bahagi ng Leyte, Leyte at may lalim na pitong kilometro at ang pinagmulan ay tectonic .
Naramdaman ang :
Intensity III – Calubian, Leyte, Leyte; Biliran, Biliran
Intensity II – Naval, Biliran at Capoocan, Leyte
Instrumental Intensity 2 naman ang naramdaman sa Naval, Biliran.
Wala namang naitalang mga pinsala ang nangyaring lindol pero inaasahan ang mga aftershocks.
Facebook Comments