Manila, Philippines – Hinamon ng Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender o LGBT Advocates si Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang kanyang pangako na protektahan ang mga LGBT mula sa diskriminasyon.
Ayon kay LAGABLAB Network Meggan Evangelista, dapat bigyan ng prayoridad ng Pangulo ang usapin ng umanoy giyera sa diskriminasyon sa halip na pagtuunan ng pansin ang war on drugs kung saan maraming mga Filipinong mahihirap ang namamatay.
Hinimok din ng grupo ang mga mambabatas na ipasa na ang panukalang batas na SOGIE Equality Bill at HIV and AIDS Bill na pareho nakabinbin pa rin sa Kongreso.
Paliwanag ng grupo ang tunay na banta sa bansa ay ang hindi pagkapantay-pantay na pagtrato sa LGBT kung saan karamihan ay nakararanas ng pang-aabuso at diskriminasyon.