LGBT Member, Patay sa Pamamaril sa Tuguegarao City

454

*Cauayan City, Isabela*- Natagpuang patay ang isang lalaki na may tama ng bala ng baril sa kanyang katawan sa isang bakanteng lote bandang 10:15 kagabi sa Fermin St.Brgy. Atulayan Sur, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Mitchell Hidalgo, 45 anyos at residente ng nasabing barangay.


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Lt. Isabelita Gano, tagapagsalita ng PNP Tuguegarao, lumalabas sa kanilang paunang imbestigasyon na posibleng may kinalaman ang nasabing pagpatay sa biktima dahil sa nagpapautang ito at nagsasanla ng mga lupa.

Dagdag pa ni P/Lt. Gano, apat na tama ng bala ng baril ng kalibre 45 ang narekober sa pinangyarihan ng krimen na tumama sa likurang bahagi ng katawan ng biktima.

Sa ngayon ay may sinusundan na umanong lead ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments

From Advertisers