Target ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan na maging kabilang ang LGBTQI+ ((lesbian, gay, bisexual, transgender, intersex, queer/questioning, asexual) Community sa magiging benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1.
Nasa limang daang miyembro ang bilang ng target na magiging benepisyaryo na kinabibilangan ng dalawang pinakamalaking gay association sa bayan, ang Maharlika LGBTQIA+ Association Gay Association of Mangaldan.
Layon ng nasabing inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan at tanggapan ng ikaapat na distrito na mabigyan din ng pansin at oportunidad ang iba’t-ibang sekswalidad na nakapaloob sa LGBTQIA+ community.
Alinsunod dito, magkakaroon na ng validation at profiling at iuugma naman ito sa dalawang nabanggit na asosayon ng nasabing komunidad upang tuluyang makakuha ito ng mga TUPAD Program slots.
Samantala, ang programang TUPAD ng DOLE ay isang cash for work program na makapagbibigay sahod kapalit ng sampung araw na serbisyo at nagkakahalaga ng 4000 pesos, o 400 pesos na kada araw. |ifmnews
Facebook Comments