LGU, aatasan ng DILG na magtayo ng ‘Bahay Pag-asa’

Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na uutusan nila ang mga Local Government Units (LGUs) na magtayo ng mga Bahay Pag-asa sa kanilang mga lugar.
Sa naging pagdinig sa Senado, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, uunahin muna nila ang mga lalawigan at highly-urbanized cities na magtayo na ng mga Bahay Pag-asa.
Dapat aniya matiyak muna na pare-pareho ang kalidad at standards ng mga ipatatayong pasilidad sa buong bansa.
Irerekomenda ng Senado na ibaba sa 12-anyos mula sa 15-anyos ang age of criminal responsibility sa dahil sa hindi pa gaanong maunlad ang Pilipinas.

Bukod dito, aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang parehong panukala na ibaba ang age of criminal responsibility sa 12-taong gulang mula sa orihinal na panukalang 9-anyos.

Facebook Comments