Tuesday, January 20, 2026

LGU ALAMINOS, NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG NATIONAL AUTISM CONSCIOUSNESS WEEK

Nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Alaminos sa pagdiriwang ng ika-30 National Autism Consciousness Week ngayong linggo bilang bahagi ng mga hakbang upang palaganapin ang kamalayan at pag-unawa sa autism.

Sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office at Persons with Disability Affairs Office, isinulong ng lungsod ang mga mensahe ukol sa pagtanggap, inklusibidad, at tamang suporta para sa mga indibidwal na nasa autism spectrum.

Ang pagdiriwang ay nakaangkla sa temang “Mula Kamalayan Tungo sa Gawa: Pag-unlad ng Autism-OK Philippines,” na nagbibigay-diin sa papel ng pamahalaan at komunidad sa paglikha ng ligtas at inklusibong kapaligiran.

Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalaga ang patuloy na pagbibigay ng impormasyon tungkol sa autism upang matiyak ang makatao at responsableng pagtugon sa pangangailangan ng mga indibidwal sa autism spectrum at ang kanilang aktibong partisipasyon sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments