
Sinanay ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pagdodokumento ng best practices sa isinagawang Capacity Building Activity on Documentation of LGU Best Practices.
Layon ng aktibidad na palakasin ang kakayahan ng mga personnel sa maayos na pagtitipon at pagtatala ng mga natatanging programa at proyekto ng LGU upang higit pang mapabuti ang lokal na pamamahala.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa LGU Alaminos na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan hinggil sa mga inisyatiba ng lungsod na nakatutulong sa patuloy na pag-unlad ng serbisyo para sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










